Tuesday, November 05, 2013

New World

by JeWeL o|๑^ω^๑|o

Happy birthday nga pala sa babaeng umagaw sa minamahal ko. Buti na lang wala siya, solong-solo ko na siya ngayon. But it seems strange. Wala kang dalang gift para sa kanya. Alam mo niya na wala siya? Parang hindi, eh. Hinahanap mo nga siya, eh. O siguro hindi mo lang alam kung kailan birthday niya? Imposible. O baka wala na kayo?

Theory ko lang 'to, ha? Siguro na-karma ka sa mga ginawa mo sa 'kin. May iba siya, 'no? Hay, nako. Sana nga totoo para magkandaloko-loko buhay mo. But I don't mean to be rude. I still like you. You know that.

I had an extreme make-over 'nung sembreak. Ate Mitch helped me how to be a better girl so I won't act weird around you. Para magsisi ka. Ngayon, eto na ako, more beautiful than before. I wear cute glasses now. Ate curled up my hair to look like ate Sonja's and gave me ribbons to tie them up. She also fixed how I move and removed my awkward mannerisms. Ate Sonja helped me also in being elegant in how I speak. May ilan na nga na biglang nagka-crush sa 'kin at 'di ako nakilala agad eh. Pero sa'yo pa rin ako. Sana mapansin mo na ako ulit kahit papaano. Dalaga na ako.


At napansin mo nga ako. Pero umiiwas ka ng tingin at lumalayo kapag nakikita mo na ako. Is there something wrong with how I look? Siguro nanibago ka lang sa 'kin. O hindi kaya, hindi mo pa rin ako magugustuhan kahit nagbago na ako. Nagbago nga ba ako? Bakit ko nga ba kailangang magbago kung nagustuhan mo ako noon sa pagiging ako? Naguguluhan na ako. Hindi lang sa'yo kundi sa sarili ko rin.

Napansin ko na ang profile picture mo at ang cover photo mo ngayon sa Facebook ay ang favourite character ko sa Vocaloid. May gusto ka pa ba sa akin? Ang gulo mo rin, 'no? Siguro naman nagsisisi ka na sa mga ginawa mo sa 'kin. Ni-like ko na lang 'yung cover photo mo para naman magskip ang puso mo kahit saglit lang at ma-realize na pwede pang ibalik ang lahat.

Napansin ko na hindi mo na suot sa ID mo 'yung keychain niya na nasayo nung nakipagpalitan ka ng kaparehong keychain sa kanya. Bakit? Nawala mo ba? O tinanggal mo na siya at itinago dahil may balak kang ibalik 'yun ulit sa kanya? Na-iintriga ako sa inyo.

Papansinin mo na kaya ako bukas? I can wait.

No comments:

Post a Comment