Sunday, November 03, 2013

Tomorrow Never Comes

Sa wakas may app na ako sa tab ko na pwedeng magpost sa Blogger. haha ansaya ko

by JeWeL (∩`・ω・´∩)

Hay, nako. May pasok na pala bukas. Makikita nanaman kita ulit. Maaalala ko nanaman ang huling beses na pinaiyak mo ako. Di bale na, marami pa naman akong kaibigan na alam kong magpapasaya sakin. Iniisip ko lang kung papansinin mo pa ako.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko once na makita kita ulit. Alam ko naman na kasama mo pa rin siya hanggang ngayon. Ay, teka. Hindi naman kayo laging magkasama ah. Tuwing uwian rin lang naman kayo nagkikita; parang tayo lang dati. Hmm, may binabalak tuloy ako.


Total, teacher niyo rin naman yung medyo ka-close kong teacher, what if sabihin ko na iparamdam niya sayo yung ginawa mo sakin. Pero wag na lang siguro. Baka pagalitan pa ako at tawagin sa guidance. Ah, alam ko na.

I will just call your attention kada uwian at aagawin ang oras mo sa kanya. Pero baka di mo rin ako pansinin eh 'tapos sasabihin mo nanaman na busy ka o kaya may gagawin ka pa. Kasalanan ko rin naman kasi eh. Kasalanan ko kung bakit ka lumayo sa piling ko. Masyado ako naging overprotective sa sarili ko.

Minsan ay natanong ko sayo kung totoo ba yung sinabi ng kaibigan ko tungkol sa sinabi mo; na pinapaselos mo daw ako para bumalik ako sayo. Sabi mo hindi. Tinanong ko kung anong ibig niyang sabihin tungkol dun. Sinabi mo na baka pwede pang ibalik ang nawala. Saka ka naglakad papalayo habang hawak mo ang sira mong payong nung umaambon na. Napaisip tuloy ako kung pwede pa.


But I was too late. At yun na nga yun, nadiskubre ko na may iba ka na. Hindi lang ako umattend ng Students Day and Night, kung sino na ang sinayaw mo. At balita ko na siya lang ang isinayaw mo nun at wala nang iba. Siguro nagpapasalamat ka na hindi ako pumunta kasi solong-solo mo siya nun.

Tinanong mo ako noon kung may gusto pa ba ako sayo. Inamin ko na meron pa. Alam ko na may gusto ka pa sa akin nun, wala ka lang tiyaga na iparamdam yun sakin kasi ang akala mo wala na akong pake sa pinaggagagawa mo sakin. But I really miss that feeling.

Di ka nga nagpaalam sakin bago magsembreak eh. Sa kanya ka nagpaalam. Sinabi mo pa nga na mamimiiiiiss mo siya ng sobra Ako, hindi?

Siguro wala na akong magagawa. Pero sa tingin ko meron pa. Hindi ko lang alam kung kaya ko pa.

I think I'll just be absent tomorrow. Maybe you'll notice that.

Absent si Jewel?
Oo, absent siya kasi ayaw ka niyang makita.
posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment