Tuesday, December 24, 2013

Ang Pasko sa Maynila

Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada?

I went strolling around Greenhills last night and rode a taxi home. Traffic, super. Marami akong nadiskubreng pangyayari tuwing hatinggabi. Marami palang mga nagbabanggaan kapag gabi pero 'di sila nababalitaan lahat. Siguro sa sobrang traffic, 'di na nakakarating 'yung mobile transmitters ng mga TV station kaya ganun. Malapit nga lang sa ABS 'yung isa eh haha. But that's not what I am gonna talk about right now.

Sunday, December 22, 2013

Ang Aral Na Mapupulot Sa El Filibusterismo

by Sonja

High school ang kapatid ko. Pinag-aaralan nila ngayon ang El Filibusterismo. Tinanong niya sa 'kin kung sino raw 'yung aninong kumuha sa lampara na naglalaman ng pampasabog sa mesa ng kasalan at itinapon ito sa ilog. Sabi ko si Isagani. Tanong niya kung bakit niya magagawa 'yun? Sabi ko, "Kasi mas gugustuhin niyang makita ang mahal niyang si Paulita na masaya kaysa sa mabuhay siyang wala na ang kanyang minamahal."

Friday, December 20, 2013

Bakit Nga Ba Torpe Si Guy

by Sonja

Minalas friend ko so I gave him a treat sa isang pizza parlor along with a few friends. Ang harsh kasi ng nangyari sa kanya. Naiinis tuloy siya sa sarili niya kasi torpe siya. Dahil daw dun, naunahan siya. Ayun, may boyfriend na 'yung crush niya.

"Crush lang naman ah." sabi niya. Crush nga ba? Siya nga lagi mong ka-chat sa Facebook eh. Tsaka kapag nagpeperform siya on-stage, lagi kang nandun. "At andami nilang karibal mo sa kanya." sabi ko sa kanya, "Talo ka talaga. Nabasa mo na ba 'yung libro ni Ramon Bautista? Tawag ka rin kaya sa BNO minsan." tinuloy ko. "'Di ko kailangan 'yan. Ok na ako. Marami pa naman dyan eh." sabi niya. "Eh, paano kung wala nang natira? Kahit na halos pantay lang ang ratio ng boys sa girls, 'di lahat ng girls magkakagusto sa'yo." banat ko. Tahimik siya eh.

Kwinento niya sa'kin kung paano daw naging sila nung other guy at nung crush niya. Sabi niya, hinarana ni other guy si crush ng bonggang-bongga na tipong engagement at, ayun, naging sila na. 'Di raw niya kaya 'yun. Wala siyang confidence.

What is "torpe"?