“Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada?”
I went strolling around Greenhills last night and rode a taxi home. Traffic, super. Marami akong nadiskubreng pangyayari tuwing hatinggabi. Marami palang mga nagbabanggaan kapag gabi pero 'di sila nababalitaan lahat. Siguro sa sobrang traffic, 'di na nakakarating 'yung mobile transmitters ng mga TV station kaya ganun. Malapit nga lang sa ABS 'yung isa eh haha. But that's not what I am gonna talk about right now.
Habang nakasakay ako sa taxi at sinusulat ang ilang parts ng isa pang blog entry, napansin ko ang mga tao sa gilid. Masaya pala ang night life sa Manila, anyway, kahit marami nang shops ang sarado at puro mga party house na lang ang bukas. Pero 'yung mga nakita ko, 'di masaya. They were poor homeless families. Marami sila sa pamilya. Marami rin silang nagkalat sa buong Maynila. Nadatnat ko 'yung isang pamilya na kumakain ng mga tira-tirang pagkain sa Jollibee. Sosyal. 'Yung isa naman, tumutulong sa pagrepair dun sa isang sirang jeep.
Marami sa kanila ang natutulog na sa lilim ng puno kahit gabi na. Nadaanan na ng police car 'yung malaking grupo ng palaboy na natutulog pero 'di pa rin sila sinita. Alam kong napansin nila 'yun pero siguro naisip nila na, “Pagod rin 'tong mga 'to. 'Wag na lang natin istorbohin.” Nagulat ako dun sa isa kong nakita. Isang malaking pamilya ang naglalakbay. Siguro naghahanap sila ng matutulugan. Medyo pagod na nga 'yung lola na kasama nila eh. 'Tapos 'yung ale bitbit pa 'yung kanyang anak. Pagod na silang lahat halos.
May mga natutulog rin sa mga waiting shed, sa tabi ng creek, sa taas ng puno, sa napakacreative nilang gawa na kariton, sa sidewalk sa labas ng isang mansion ng mga Intsik, at kung saan man sila abutan ng antok. Medyo nakakaawa rin. 'Di ko na lang sasabihin ang opinyon ko para walang away.
Meron ring mga kababalaghan na nangyayari 'pag gabi. Kadiri. May mga nakikipagdate, naglalaplapan, at nakikipagsex. Oo, nakikipagsex. Kadiri. Sa panahon pa ng kapaskuhan pa mismo. Meron ring magpartner na lalaking nagyoyosi lang sa tabi, nangookray ng mga dumadaan hehe. May nakita rin akong mga prosti at mga lalaking mukhang drug dealer na may inaayos sa isang table sa labas ng isang pawnshop. May nasaksihan pa nga akong mga rugby boys at holdapan eh. Natakot tuloy ako kay manong driver.
Nung isang araw, nasa bahay ako ng friend ko. Nakipasko lang sa kanila haha. May marching band nga na nangaroling sa kanila eh. Ang kulit kaya. Then there came a point na hindi na Christmas songs ang pinapatugtog nila. Nagpatugtog na nga sila ng Louder ni Charice eh. Masaya. Marami yata silang nakuhang pamasko galing sa mga kapitbahay. Saan ka pa makakakita ng Pasko na may halong pistahan?
Nandito lang ako ngayon with my family having fun with our Noche Buena. Maingay nga dito eh, videoke kahit saan. Ganun naman lagi eh.
Malungkot man o kadiri ang ating Pasko, dapat pa rin tayong magsaya bilang mga Pilipino!
Merry Christmas!!! ;)

posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment