by Sonja
High school ang kapatid ko. Pinag-aaralan nila ngayon ang El Filibusterismo. Tinanong niya sa 'kin kung sino raw 'yung aninong kumuha sa lampara na naglalaman ng pampasabog sa mesa ng kasalan at itinapon ito sa ilog. Sabi ko si Isagani. Tanong niya kung bakit niya magagawa 'yun? Sabi ko, "Kasi mas gugustuhin niyang makita ang mahal niyang si Paulita na masaya kaysa sa mabuhay siyang wala na ang kanyang minamahal."
Kung 'di kayo familiar sa El Filibusterismo o nakalimutan niyo na ang tungkol dito, ipapakilala ko muna sila. Kung naaalala niyo ang pagmamahalan nina Juan Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa Nilo Me Tangere, pwes dito wala na. Ang alam ni Maria Clara, patay na si Ibarra nung matapos ang Noli. Ngunit 13 years after that, muling nababalik si Ibarra bilang isang mayaman at pinalitan ang kanyang pangalan - Simoun. Pinaramdam niya sa mga tao na kailangan nilang mag-alsa ngunit ang tunay niya lang na layunin ay kunin si Maria Clara sa kumbento para ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang nawala.
So fast-forward tayo. Sorry kung magiging spoiler ito pero 'di niyo ako maiintindihan ang nais kong iparating kung hindi niyo 'to babasahin. Habang pinagpaplanuhan ni Simoun ang kanyang mga balak na pabagsakin ang pamahalaan, may isang namumuong love story sa El Fili. Actually, marami siya kasi eto talaga ang pinakamaganda. May isang top student sa UST na nagngangalang Isagani na may kasintahang isang magandang dilag na si Paulita. Basta sweet sila. Nang malaman ni Paulita na isa rin palang rebelde si Isagani, nadungisan ang tingin ni Paulita sa kanya at sumama sa iba. Sa bahay kung saan nagtipun-tipon ang mga mahahalagang tao sa simbahan at pamahalaan pagkatapos ang kasal ni Paulita at ang bago niya, nandun siya. Nandun rin ang lamparang may pampasabog na wawasak sa bahay na nakabalot sa pulburang nakatago sa bawat sulok ng bahay.
'Di pa rin siya maka-get-over kay Paulita. Nang malaman niya na may pampasabog pala ang lampara, dali-dali niya itong kinuha, itinapon sa ilog, at tumakas. Sira na ang plano ni Simuon. Pinaghahanap tuloy siya ng mga gwardiya sibil para huliin. Habang ang lahat naman ay nagtataka kung sino 'yung kumuha ng lampara at gusto nilang pasalamatan ang taong 'yon. Tahimik lang siya.
Let's cut to the chase.
Bakit niya ginawa 'yun? Kasi nahihirapan siyang pakawalan ang taong pinakamamahal niya. Ikaw kaya. Kahit simpleng cream puffs na first time mo lang bilhin, ayaw mo ngang ipamigay. Eh paano kung pulubi na ang nanhingi? Ibibigay mo pa rin diba? Ganun din sa love. Lahat ng "nanghihingi" sayo, "pulubi".
No offense. haha :)

No comments:
Post a Comment