Monday, November 11, 2013

Cakes, Cookies, and Chips

by Sonja

Kapag bored ako, nanlilibre ako. Kaya sabi nila, sana bored ako lagi.

Kapag badtrip ako, nanlilibre ako. Kaya sabi nila, sana badtrip ako lagi.

Kapag heartbroken ako, nanlilibre ako. Nalulungkot sila at sinasabihan ako ng advice. Kaya sabi nila, sana mahanap ko na ang right guy para sa akin para hindi na ako magkaganito ulit.

Birthday ng pinsan ko ngayon. Nanlibre siya ng cake. Wala akong ganang kumain kasi 'di ko type 'yung flavour. Eh pinilit niya ako. Mocha. Masarap naman pala siya. I don't know why I hated it all these years. Siguro kasi mahilig na ako sa kape ngayon. Siguro nga.

Bumili ako ng Oreo kanina sa Mini Stop sa labas ng office. 'Yung maraming laman. Double Stuf pa nga 'yun eh. Bumili rin ako ng Presto nung lunch. Nagtawag ako ng friends at pinaghatian 'yung mga cookies ko. Tuwang tuwa sila. Kasi libre lang daw. Haha.

Nagbaon ako ng isang malaking bag ng Lays Potato Chips Original Flavour kaninang umaga. Pagkabukas ko pa lang, nag-aabang na sila. "Pahingi." 'Yan ang lagi nilang sinasabi. "Bahala kayo. Huwag niyo lang angkinin na sa inyo 'to." Sabi ko sa kanila.

Does this explain anything?
Yes.

Kapag ang tao mapagbigay, maraming babalik sa kanya. Kung masyado naman siyang mapagbigay, marami diyan na gahaman na aangkinin na nila 'yung pinapamigay mo. Wala man lang credit. May mga bagay na nagpapasaya sa'yo na kailangan mo na lang i-share sa iba kahit ayaw nila. Meron naman 'yung mga bagay na gusto mong i-share sa mga piling tao lang kasi ayaw mong ipagdamot sa kanila ang mga bagay na nagpapasaya sa 'yo. Meron din 'yung mga bagay na tine-take for granted ng iba. Kahit hindi mo ka-close, manghihingi na.

Sadyang madamot lang ang ilan. Alam na ngang hindi niya naman kailangan, nasa kanya pa rin. Itatago niya 'yun hanggang sa kailanganin niya ulit. Pero hindi naman niya alam kung kailan niya kakailanganin ulit 'yun. Kaya napapabayaan. Sayang naman, may gagamit pa sana.

Bakit kapag galing sa iba ang isang bagay, tuwang-tuwa tayo? Pwede naman tayong bumili ng sarili natin; bakit pa kailangang humingi? Kasi masarap ang feeling 'pag galing sa iba? Kasi para mo na ring inaangkin ang pag-aari niya kapag humingi ka? Kasi feel mo special ka kasi binigyan ka? Hindi ganun 'yun. Binigyan ka niya kasi may faith in humanity siya. Gusto niyang ipamahagi ang isang bagay kasi alam niyang kailangan mo 'yun.

Ang labo ko. I'm not making any sense.

May hindi kasi nanlibre dyan eh.

No comments:

Post a Comment