Sunday, November 03, 2013

My First Love


Someone sent this through my email. Gawan ko daw siya ng story tungkol sa buhay niya. Binigay niya lahat ng details at eto na 'yun. True story.

Hi! Ako nga pala si “Jewel”. Di ko na sasabihin real name ko. Kwento ko lang buhay ko sa inyo.

First time ko magmahal. Di ko pa alam kung paano gawin yun lalo na nung una ko siyang makita. Naging crush ko siya kasi nagustuhan niya yung drawings ko. Tapos ayun na, nagkagusto na rin pala siya sakin.

Nagpapaiwan ako sa service ko para lang sa kanya kasi gusto ko pa siyang makausap. Kaso ako naman etong shunga na naghihintay lagi sa kanya na nakauwi na pala. Pero minsan lagi kaming nagkikita. Pinapakita ko sa kanya drawings ko tapos natutuwa siya. Di ko mapigilan saya ko kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Inaasar ako lagi ng mga kaklase ko. Siya daw boyfriend ko?! Inaamin ko, natuwa rin ako sa birong yon pero sana nga totoo nalang yon.

Minsan siya na mismo yung hindi umuuwi nang maaga para lang makausap ako.
Ewan ko nga kung nakakapagusap kami kasi yung makukulit kong kaibigan laging nakadikit sakin. Bumabawi nalang ako sa chat. Kachat ko siya lagi sa Facebook. Ako pa nga yung unang nagsesend ng message sa kanya lagi eh. Di siya masyadong nagrereply. Matipid siya magreply na akala mo may load yung kada send niya ng message sakin.

Naglilinis ako sa classroom nung uwian nang bigla siyang pumasok. Tinulungan muna niya ako magwalis tapos umupo kami sa isang tabi. Tinatago ko lang yung kilig ko habang katabi ko siya. Ang lapit niya kasi sakin e. Nararamdaman ko na gusto niya akong akbayan. Nag-usap muna kami tungkol sa ilang stuffs tapos inamin na niya na may gusto siya sakin. Deny pa ako na hindi ko narinig. Sinabi niya rin pala kung bakit niya ko nagustuhan. Nung nasa labas na kami ng school, inamin ko sa kanya na narinig ko yun at may gusto rin ako sa kanya sabay takbo sa hiya.

MU na kami simula noon. Ang sweet namin kapag lunch break kasi lagi kaming sabay kumain. Binigyan nga niya ako ng tali sa buhok kaso masyado siyang memorable kaya tinago ko na lang. Tinutulungan niya ako minsan sa assignments ko pag di ko talaga kaya. Tinuturuan niya rin ako kung paano magdrawing ng mas maganda pa. Ang sweet daw namin sabi ng mga kaklase ko.

But something fishy was going on. Napansin ko na di na tayo masyadong nagsasama. Nawalan na rin ata ako ng gana sayo nun. Masyado ka na kasing sweet nun sakin na parang PDA na ang tingin ko dun. Nangibabaw nanaman ang hiya ko. Pero yun pala may iba ka na. Di mo sinabi sakin yun ah. Sana pinakilala mo muna siya sakin. Ganun ba ako kawalang kwenta sayo?

Nagalit ako sayo sobra. Nangako ka pa naman na hindi mo ipaparanas sakin ang mga napapanood kong sad moments sa TV kung saan sinasabi ng iniwan na, “At least I experienced it.” Nangako ka na hindi mo ko kakalimutan. Grabe ka. Ay, oo nga pala. Hindi nga pala tayo. Ba’t nga ba ako nagagalit sayo?

Winasak mo kasi puso ko. Pero hindi ako magseselos. Kasi wala naman na akong magagawa tungkol sa inyo. Sinabi ko na lang sayo na masaya ako para sa inyo ngayon. Inalala ko nalang yung sinabi mo sakin nung inamin mo sakin na may gusto ka sakin.

“You're like my best friend. I remember her every time I see you.” Rebound mo lang pala ako.

My first love broke my heart for the first time. Pero, honestly, mahal parin kita. Masakit lang para sakin na isipin na may iba ka na. At least I experienced it.



No comments:

Post a Comment