by MiTCH o|^ー^*|o
Medyo matagal na rin since nung umalis ka. Hindi na nga tayo masyadong nag-uusap kahit sa text man lang. Lagi ka namang offline sa Facebook, hindi tuloy kita masendan ng message kahit isa lang kasi gusto ko sunod-sunod 'yung usapan natin. Kung online ka naman, 'di ka masyadong nagrereply o 'di kaya minsan late. Nawawalan tuloy ako ng gana. Kamusta ka na kaya?
Nangibang bansa ka raw ah. Balita ko naging miyembro ka na ng isang banda na sikat na sa bansang 'yon ngayon. Ang layo na ng narating mo. Samantalang ako, narito at nagtatrabaho sa isang 'di sikat na dyaryo. Balang araw, lilipat rin ako sa Inquirer. Haha. Ang taas ng pangarap ko. Malay mo, taasan pa kita!
Naalala ko tuloy 'yung oras na nag-alala ako sa'yo nang sobra. Sabi mo pupunta kayo sa Boracay with your friends para sa gig niyo ng banda niyo and to look for babes. Ewan ko kung anong nakain mo at bigla kang nagka-interes sa mga babae.
Sabi mo sawang-sawa ka na sa pagiging single at gusto mo nang magka-girlfriend. Nabuhayan ako ng loob. Ginising mo ang puso ko. Siyempre, hindi ko muna ipaparamdam sa'yo na gusto kong magvolunteer para maging girlfriend mo. Chos. Pero kahit anong tago ko, naramdaman mo pa rin ang mga 'yon.
Habang nasa Boracay ka, bigla mo 'kong tinext. Madaling araw na nun ah, natutulog na ako nun. “Amboring dito. Miss na kita.” Kikiligin na sana ako nun eh, kung hindi ka sana bored. Kahit noon pa man, tuwing bored ka lang nagsesend ng messages sa'kin. Ganoon na lang ba ang turing mo sa 'kin, stress reliever? Madaming ganyan sa botika! Kung bored ka as in, bumili ka ng libro ng mga crossword o 'di kaya word find at sagutin mo 'yon! At least may natututunan ka pa.
Ang harsh ko naman magsalita. “Bored ka nanaman? Akala ko may babes ka na dyan?” reply ko sa'yo. “Ako na lang 'ata sa friends ko 'yung walang ka-pares dito. Kung bakit kasi ang layo ng Boracay sa Manila.” Wow ha. Sa tingin mo napakilig mo na ako dun? Napa-reply na lang ako ng isang dismissive na, “haha”.
Single ka pa rin pagbalik mo. Ewan ko kung matutuwa ako o hindi. Natuwa na lang ako kasi hindi ka pa taken. Pero panandalian lang paka 'yun. Kasi iiwan rin pala kita.
Naalala ko 'yung gabing umiyak ako sa harap mo dahil aalis muna ako para magtrabaho sa ibang bansa. You were there to comfort me, of course. You tried to make me laugh nga with your corny jokes na lagi nating sinasabi sa isa't-isa.
"Knock! Knock!" sabi mo.
"Who's there?" mangiyak-ngiyak pa ako nun.
"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven."
"Hahaha. Ang haba naman ng joke mo. Sge nga, blah blah blah who?"
"Got to believe in magic; tell me one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven strangers..."
'Di pa tapos 'yung joke mo, tawa na ako nang tawa. 'Di ko na tuloy naisip na iiwan pala kita.
'Di ko aakalain na hindi mo 'ko nahintay. May nabuntis kang babae at kailangan niyong magpakasal. Seven years na nung mangyari 'yun at mayroon na kayong dalawang anak na parehong nag-aaral sa ibang bansa. Siguro nga masaya ka na sa bagong buhay mo. 'Di mo na 'ata ako maaalala. Nag-promise ka pa naman na wala kang ibang mamahalin hanggang sa bumalik ako. Liar.
Nung isang gabi lang, natiyempuhan kita na online. Ngumiti ako nang kaunti. Ako unang nag-send ng message sa 'yo. Kukumustahin ka lang naman. "Hi! Kamusta ka na? May sinulat pala akong article tungkol sa banda niyo, eto online version niya oh! Sana mabasa mo. I miss you." sabay send ng link ng article ko. And, surprise, hindi mo ako sineenzone! Nag-reply ka agad. At nakakagulat ang reply mo. 'Di ko siya nakikita ever in my whole life. "Ok. I miss you, too! :)"
Kung hindi ka lang sana kasal ngayon, kikiligin ako nang sobra. Iniisip ko lang kung seryoso ka sa sinabi mo o nagiging feeler nanaman ako. "Kailan kaya tayo ulit magkikita?" sabi ko sa isip ko.
Ganyan din 'yung sinabi mo sa 'kin habang nakikipagchat tayo. Isang beses pa lang tayo nagkikita 'nun eh. Lagi mo akong iniinvite sa mga gig niyo ng banda mo kaso hindi ako makapunta kasi masyado akong busy sa work ko. Kung may oras talaga ako, pupunta talaga ako. I have always failed you at those times.
Pero, ayun nga. Siguro hindi na talaga tayo ulit magkikita pa. Maybe we're not meant to see each other again. Waiting won't do a thing now that you're already taken. I don't know why I'm still looking for you. But I think there's something I forgot to do.
I just can't remember what it is...
Pero naaalala ko pa 'yung inutang mo na sampung Pisong pambili mo ng fishball nung una at huli nating pagkikita. Nakalimutan kitang singilin pagkatapos nun. Ahaha. 'Yun pa talaga naalala ko. Miss na kita, grabe. Invite mo naman ako sa next gig ng banda niyo! I miss you :)

No comments:
Post a Comment