Inaantok na ako grabe. Bumabawi lang ako.
by MiTCH ( ◕ˇ~ˇ◕)o彡゚
He's cheating on me. I know it. Halata naman eh. Ayaw niyang ipahiram 'yung phone niya sa 'kin. 'Di na niya ako masyadong pinapansin. Lagi siyang wala kahit hindi ko siya hhinahanap. Kung magkasama man kami, he's always on the phone. Nagpapakaplastik na lang ako. Kunwari 'di ko alam ang lahat ng tungkol doon. Nilalambing ko pa rin siya. Pero sawang-sawa na ako sa lokohang ito. I should talk to him.
Napansin ko 'yung bracelet niya. May pangalan ng girl. "Sino 'yan?" tanong ko. "Ah, eto? Favourite singer ko siya. Bago pa lang siya kaya hindi mo siya masyadong kilala." sabi niya. Naniwala na lang ako. Naging curious ako sa singer at pinag-usapan namin siya. Binaha ako ng lies.
Napansin ko rin na may bago kang necklace na panlalaki. "Saan mo nabili 'to?" tanong ko. "Bigay lang 'to sa 'kin." sabi mo. "Sino nagbigay sa 'yo?" tanong ko ulit. "Kaibigan ko." sagot mo. Ganun din 'yung sabi mo tungkol sa bago mong jacket.
Isang umaga, nawawala ka sa meeting place natin kasi paalis na tayo para mag-outing. Tinanong ko sa mga kasama natin kung saan ka pumunta. Pinuntahan ko kung saan ang tinuro nila. Na-shock ako. May kasama kang girl. Ang lapit niyo sa isa't-isa na para kayong magsyota. Umiwas ako ng tingin, kasi nakatingin ka sa 'kin, at dumeretso na lang ako sa iba nating friends dun sa kabila. I didn't mind at all.
Ang cold mo sa kotse. Kahit magkatabi tayo at naka-akbay ka sa likod ko, ramdam ko na ayaw mo na ako. Ang gaan ng braso mo eh, 'di tulad nang dati na pinapasandal mo pa ako sa gilid mo habang niyayakap pa ako. Kung ano man ang makita ko sa labas ng bintana, tinuturo ko 'tapos tinatanong ko kung ano 'yun, kahit alam ko naman. Isang tanong; isang sagot. Straight-forward kang sumagot. Bored ka na ba sa 'kin?
May kausap ka nanaman sa cellphone mo. 'Di ka sumasabay sa 'tin kasi nagsosolo ka. Sino ba 'yan? Masyado na akong curious. Hindi mo na 'yan friend, alam ko.
Nung bumili tayo ng souvenirs sa lugar na pinag-outingan natin, may napansin kang magandang necklace na pambabae. Sinama mo 'ko para bilhin 'yun. Tinanong mo kung maganda ba 'yun ganoon klaseng necklace. Sabi ko oo. So, ayun, binili mo. Tuwang-tuwa ka nun nung binili mo 'yon. Dali-dali mong tinago sa bulsa mo 'yung necklace at umalis na tayo sa tindahan. Ang saya ko na sana. Akala ko isusuot mo na sa leeg ko 'yun. Hindi pala. Para kanino ba 'yun?

You were making those endless calls again. Medyo 'di ako nagpahalata na I was now listening to what you're talking about with the person on the phone. Girl. Girl 'yung kausap mo. Hinayaan ko lang muna saglit. Nagkwentuhan pa nga kayo eh. Nagtawanan rin. "Hala, iiyak na siya. Sige, magagalit ako 'pag umiyak ka." Walang hiya ka. Ganun ka ba lumambing sa mga kaibigan mo? "Don't worry, ok lang ako dito ngayon. I miss you. Bye-bye." Ang kapal ng mukha mo.
Pero sweet ka pa rin. Pumitas ka pa nga ng sunflower at ikinabit 'yun sa tenga ko. Nakakatuwang alalahanin. Naalala ko rin 'yung nag hiking tayo sa lugar na 'yun at hinahawakan mo pa 'yung kamay ko para alalayan ako. Tinatakot mo pa nga ako kasi sabi mo may ahas sa paa ko. Nung pinulot mo 'yun at pinakita sa 'kin, napatili ako sa takot. Lubid lang pala. Ang lakas mo rin mang-asar, 'no? Sana hindi ka nang-aasar sa relasyon natin.
Ayoko nang ikwento 'yung iba. It's either kinalimutan ko na siya o masyadong siyang masakit para maalala. Ikukwento ko na lang 'yung pauwi na tayo. Sinadya kong 'wag munang tumabi sa'yo sa kotse. And there I cried. Tinago ko na lang para 'di mo malaman. Kausap mo nanaman siya. "Uy, umiiyak si Mitch, oh!" sabi ng friend ko sa'yo. And you were just, "Ok." and continued talking on the phone. 'Di ka man lang naging concern at naging curious kung bakit ako umiiyak. "Sino ba 'yang kausap mo?!" tanong ng friend ko sa 'yo na naiinis na rin pala kanina pa. "Friend ko." sinagot mo nang diretso. "Alam mo ba ang pinagkaiba ng friend sa girlfriend? Kita na ngang umiiyak siya eh." nainis siya lalo sa sinabi mo. Binaba mo 'yung phone at tumahimik na lang. Pero nung umingay na ang grupo, you took advantage of the noise to talk to her again. "I love you." I heard within the irritating noise. Ang sakit sa puso.
Lumabas muna ako saglit sa sasakyan nung bumili ng pagkain 'yung friends natin pauwi. Umiyak ako sa isang madilim na sulok. Nakita rin kitang lumabas. Akala ko lalapitan mo 'ko. Lumabas ka lang pala para humanap ng signal. I overheard you talking again. "Binilhan kita ng gift. Sana magustuhan mo." I think you were talking about the necklace that we bought earlier. Nung naka-uwi na tayo, bingyan mo lang ako ng beso, hindi kiss. I can't believe what just happened.
My friends and I had a girls' night out sa isang bar weeks after the outing. Then may nagperform na magnadang girl sa stage. May suot siyang necklace na pareho sa design nung binili natin sa outing. Nagpakilala siya. Kapangalan niya 'yung nasa bracelet mo. Nagtaka ako. Siya ba 'to? Coincidence lang 'ata. Sinabi niya kasi pangalan mo eh. Nagsabi siya ng dedication na para sa 'yo raw yung kakantahin niya; at kinanta niya ang theme song nating dalawa. Nahanap kita sa isang table malayo sa 'min. Wala kang katabi. Siguro magde-date kayo pagkatapos ng performances niya. I left the bar alone. Crying.
'Di muna ako nakipag-usap sa 'yo after several weeks. I ignored you all the time. Ang akala mo kasi 'di ko alam. Ang akala ko rin, friends lang kayo. How the heck did that evolve into a relationship?! At harap-harapan mo pang pinapakita sa 'kin ang cheating techniques mo. Fuck.
Saka na lang kita kakausapin ulit kapag laos na 'yang singer mong kabit.