by Sonja
Minalas friend ko so I gave him a treat sa isang pizza parlor along with a few friends. Ang harsh kasi ng nangyari sa kanya. Naiinis tuloy siya sa sarili niya kasi torpe siya. Dahil daw dun, naunahan siya. Ayun, may boyfriend na 'yung crush niya.
"Crush lang naman ah." sabi niya. Crush nga ba? Siya nga lagi mong ka-chat sa Facebook eh. Tsaka kapag nagpeperform siya on-stage, lagi kang nandun. "At andami nilang karibal mo sa kanya." sabi ko sa kanya, "Talo ka talaga. Nabasa mo na ba 'yung libro ni Ramon Bautista? Tawag ka rin kaya sa BNO minsan." tinuloy ko. "'Di ko kailangan 'yan. Ok na ako. Marami pa naman dyan eh." sabi niya. "Eh, paano kung wala nang natira? Kahit na halos pantay lang ang ratio ng boys sa girls, 'di lahat ng girls magkakagusto sa'yo." banat ko. Tahimik siya eh.
Kwinento niya sa'kin kung paano daw naging sila nung other guy at nung crush niya. Sabi niya, hinarana ni other guy si crush ng bonggang-bongga na tipong engagement at, ayun, naging sila na. 'Di raw niya kaya 'yun. Wala siyang confidence.
What is "torpe"?