Tuesday, December 24, 2013

Ang Pasko sa Maynila

Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada?

I went strolling around Greenhills last night and rode a taxi home. Traffic, super. Marami akong nadiskubreng pangyayari tuwing hatinggabi. Marami palang mga nagbabanggaan kapag gabi pero 'di sila nababalitaan lahat. Siguro sa sobrang traffic, 'di na nakakarating 'yung mobile transmitters ng mga TV station kaya ganun. Malapit nga lang sa ABS 'yung isa eh haha. But that's not what I am gonna talk about right now.

Sunday, December 22, 2013

Ang Aral Na Mapupulot Sa El Filibusterismo

by Sonja

High school ang kapatid ko. Pinag-aaralan nila ngayon ang El Filibusterismo. Tinanong niya sa 'kin kung sino raw 'yung aninong kumuha sa lampara na naglalaman ng pampasabog sa mesa ng kasalan at itinapon ito sa ilog. Sabi ko si Isagani. Tanong niya kung bakit niya magagawa 'yun? Sabi ko, "Kasi mas gugustuhin niyang makita ang mahal niyang si Paulita na masaya kaysa sa mabuhay siyang wala na ang kanyang minamahal."

Friday, December 20, 2013

Bakit Nga Ba Torpe Si Guy

by Sonja

Minalas friend ko so I gave him a treat sa isang pizza parlor along with a few friends. Ang harsh kasi ng nangyari sa kanya. Naiinis tuloy siya sa sarili niya kasi torpe siya. Dahil daw dun, naunahan siya. Ayun, may boyfriend na 'yung crush niya.

"Crush lang naman ah." sabi niya. Crush nga ba? Siya nga lagi mong ka-chat sa Facebook eh. Tsaka kapag nagpeperform siya on-stage, lagi kang nandun. "At andami nilang karibal mo sa kanya." sabi ko sa kanya, "Talo ka talaga. Nabasa mo na ba 'yung libro ni Ramon Bautista? Tawag ka rin kaya sa BNO minsan." tinuloy ko. "'Di ko kailangan 'yan. Ok na ako. Marami pa naman dyan eh." sabi niya. "Eh, paano kung wala nang natira? Kahit na halos pantay lang ang ratio ng boys sa girls, 'di lahat ng girls magkakagusto sa'yo." banat ko. Tahimik siya eh.

Kwinento niya sa'kin kung paano daw naging sila nung other guy at nung crush niya. Sabi niya, hinarana ni other guy si crush ng bonggang-bongga na tipong engagement at, ayun, naging sila na. 'Di raw niya kaya 'yun. Wala siyang confidence.

What is "torpe"?

Sunday, November 17, 2013

Fake Smiles, Fake Tears, Fake Relationship

Inaantok na ako grabe. Bumabawi lang ako.

by MiTCH ( ◕ˇ~ˇ◕)o彡゚

He's cheating on me. I know it. Halata naman eh. Ayaw niyang ipahiram 'yung phone niya sa 'kin. 'Di na niya ako masyadong pinapansin. Lagi siyang wala kahit hindi ko siya hhinahanap. Kung magkasama man kami, he's always on the phone. Nagpapakaplastik na lang ako. Kunwari 'di ko alam ang lahat ng tungkol doon. Nilalambing ko pa rin siya. Pero sawang-sawa na ako sa lokohang ito. I should talk to him.

Monday, November 11, 2013

Cakes, Cookies, and Chips

by Sonja

Kapag bored ako, nanlilibre ako. Kaya sabi nila, sana bored ako lagi.

Kapag badtrip ako, nanlilibre ako. Kaya sabi nila, sana badtrip ako lagi.

Kapag heartbroken ako, nanlilibre ako. Nalulungkot sila at sinasabihan ako ng advice. Kaya sabi nila, sana mahanap ko na ang right guy para sa akin para hindi na ako magkaganito ulit.

Sunday, November 10, 2013

Do I Really Miss You?

by MiTCH o|^ー^*|o

Medyo matagal na rin since nung umalis ka. Hindi na nga tayo masyadong nag-uusap kahit sa text man lang. Lagi ka namang offline sa Facebook, hindi tuloy kita masendan ng message kahit isa lang kasi gusto ko sunod-sunod 'yung usapan natin. Kung online ka naman, 'di ka masyadong nagrereply o 'di kaya minsan late. Nawawalan tuloy ako ng gana. Kamusta ka na kaya?

Nangibang bansa ka raw ah. Balita ko naging miyembro ka na ng isang banda na sikat na sa bansang 'yon ngayon. Ang layo na ng narating mo. Samantalang ako, narito at nagtatrabaho sa isang 'di sikat na dyaryo. Balang araw, lilipat rin ako sa Inquirer. Haha. Ang taas ng pangarap ko. Malay mo, taasan pa kita!

Naalala ko tuloy 'yung oras na nag-alala ako sa'yo nang sobra. Sabi mo pupunta kayo sa Boracay with your friends para sa gig niyo ng banda niyo and to look for babes. Ewan ko kung anong nakain mo at bigla kang nagka-interes sa mga babae.

Sabi mo sawang-sawa ka na sa pagiging single at gusto mo nang magka-girlfriend. Nabuhayan ako ng loob. Ginising mo ang puso ko. Siyempre, hindi ko muna ipaparamdam sa'yo na gusto kong magvolunteer para maging girlfriend mo. Chos. Pero kahit anong tago ko, naramdaman mo pa rin ang mga 'yon.

Habang nasa Boracay ka, bigla mo 'kong tinext. Madaling araw na nun ah, natutulog na ako nun. “Amboring dito. Miss na kita.” Kikiligin na sana ako nun eh, kung hindi ka sana bored. Kahit noon pa man, tuwing bored ka lang nagsesend ng messages sa'kin. Ganoon na lang ba ang turing mo sa 'kin, stress reliever? Madaming ganyan sa botika! Kung bored ka as in, bumili ka ng libro ng mga crossword o 'di kaya word find at sagutin mo 'yon! At least may natututunan ka pa.

Ang harsh ko naman magsalita. “Bored ka nanaman? Akala ko may babes ka na dyan?” reply ko sa'yo. “Ako na lang 'ata sa friends ko 'yung walang ka-pares dito. Kung bakit kasi ang layo ng Boracay sa Manila.” Wow ha. Sa tingin mo napakilig mo na ako dun? Napa-reply na lang ako ng isang dismissive na, “haha”.

Single ka pa rin pagbalik mo. Ewan ko kung matutuwa ako o hindi. Natuwa na lang ako kasi hindi ka pa taken. Pero panandalian lang paka 'yun. Kasi iiwan rin pala kita.

Saturday, November 09, 2013

Gusto Mo Kasi Secret

Gusto mo kasi secret.

Gusto mo kasi secret kasi ayaw mong may maka-alam.

Gusto mo kasi secret kasi ayaw mong may maka-alam na may kaMU ka.

Gusto mo kasi secret kasi ayaw mong may maka-alam na may kaMU ka habang may syota ka.

Gusto mo kasi secret kasi ayaw mong may maka-alam na may kaMU ka habang may syota ka at baka kasi malaman niya.

Gusto mo kasi secret kasi ayaw mong may maka-alam na may kaMU ka habang may syota ka at baka kasi malaman niya at maging dahilan pa ng paghihiwalay niyo.

Gusto mo kasi secret kasi ayaw mong may maka-alam na may kaMU ka habang may syota ka at baka kasi malaman niya at maging dahilan pa ng paghihiwalay niyo at ng pagwawakas ng ating pagkakaibigan.

Wednesday, November 06, 2013

Bakit Tayo Iniiwan

by Sonja, herself

You turned out to be the best thing I never had. Familiar ba? Lyrics 'yan sa kanta ni Beyonce Knowles, 'yung Best Thing I Never Had. Pinapakinggan ko siya ngayon. Bakit? Kasi nawala nanaman sa piling ko ang pinakamamahal ko. Nakakainis ang feeling. Lalo na kapag may iba pala 'yung minamahal mo. Parang kanina, nakita ko sila right in front me being intimate to each other. He just smiled at me when he saw me. I smiled him back, and turned away. Nakakainis. Lalo na kung hindi kami. Parang kanina, may nagsabi sa 'kin na nung tinanong sa'yo kung tayo ba, sabi mo, "Hindi." And you said that with all your heart. Lie. Nakakainis. Lalo na kung nalaman mo sa iba. Parang kanina, may nagsabi sa 'kin na may kinakasama kang iba kaya wala ka laging time para sa 'kin. At nakita ko na 'yun kanina. Nakakainis. Lalo na kung secret lang ang pagsasama natin. Parang kanina, lagi mo akong iniiwasan kasi ayaw mong may makahalata sa pinaggagagawa natin. Baka kasi isumbong nila sa girlfriend mo. Nakakainis.

"It sucks to be you right now." sabi ng kanta ni Beyonce. Pagkatapos mo akong iyakan dahil hindi pa ako pwede noon, 'tapos tatawa tawa ka ngayon at iba pa ang kasama mo. Sino ba ang 'di maiinis sa ganun? Pinagtaksilan ka ng kaisa-isang tao sa buhay mo ngayon na nagbibigay sa 'yo ng inspirasyon, saya, at rason para ikaw ay magising pa kinabukasan. Siguro kasalanan ko rin kasi wala ako masyadong tiyaga na bisitahin ka araw-araw. Kaya siguro may iba na pumalit sa shift ko. Naagawan tuloy ako ng pwesto sa lugar na pina-reserve ko.

Bakit nga ba tayo iniiwan ng mga gusto natin?

Tuesday, November 05, 2013

Vete a la mierda!

This will be the first time that I'll be using English as the primary language of this post. Why? So that HE could read it. I know he can't understand Filipino.

by MiTCH |✿>m<|

My friends have been asking me why I have a lot of Spanish songs in my phone. I've always told them that I listened to one song on YouTube and like it so I downloaded the rest. Lie. This is the real reason.

The Spanish. They have all been looking for something to spice up their world. They traveled everywhere to find something that could tickle their senses. Why am I talking about them? I used to have a Spanish boyfriend. Pang Miss World ang beauty ko! hahaha...

I'll use his real name, Rodrigo. We met at a restaurant in SM Megamall while waiting for my mom to have a family dinner. I saw this guy not far from our table constantly looking at me. I watched for a while and we went eye to eye. I looked away in surprise when it was taking so long. A few minutes later, someone tapped me on the shoulder. I turned around and saw the guy who was looking at me earlier. "Cuanto me quieres? (How much do you want me?)", the guy said. "Te deseo. (I want you.)" I teased him in my reply (I know how to speak Spanish, too!). He gave me a tantalizing smile. Another guy called him and told them that they should go. After they went, mom finally came and we had dinner. I wondered why everything tasted better than before. As if something added spice to my tongue.

New World

by JeWeL o|๑^ω^๑|o

Happy birthday nga pala sa babaeng umagaw sa minamahal ko. Buti na lang wala siya, solong-solo ko na siya ngayon. But it seems strange. Wala kang dalang gift para sa kanya. Alam mo niya na wala siya? Parang hindi, eh. Hinahanap mo nga siya, eh. O siguro hindi mo lang alam kung kailan birthday niya? Imposible. O baka wala na kayo?

Theory ko lang 'to, ha? Siguro na-karma ka sa mga ginawa mo sa 'kin. May iba siya, 'no? Hay, nako. Sana nga totoo para magkandaloko-loko buhay mo. But I don't mean to be rude. I still like you. You know that.

I had an extreme make-over 'nung sembreak. Ate Mitch helped me how to be a better girl so I won't act weird around you. Para magsisi ka. Ngayon, eto na ako, more beautiful than before. I wear cute glasses now. Ate curled up my hair to look like ate Sonja's and gave me ribbons to tie them up. She also fixed how I move and removed my awkward mannerisms. Ate Sonja helped me also in being elegant in how I speak. May ilan na nga na biglang nagka-crush sa 'kin at 'di ako nakilala agad eh. Pero sa'yo pa rin ako. Sana mapansin mo na ako ulit kahit papaano. Dalaga na ako.

Monday, November 04, 2013

As If Everything Never Happened...

Hi! Ako nga pala yung ate ni "Jewel", si "Mitch". Sa totoo lang, mas masakit pa nga 'yung mga nangyayari sa love life ko kaysa sa kanya eh. Siguro dahil sa mas matanda rin naman ako sa kanya. Mas marami na akong experience kaysa sa kanya. Kwento ko kaya yung isa.

So, I once had a boyfriend. Medyo matagal na rin 'yun. Ah, basta. Dati kasi, nakatira ako sa isang apartment away from my family kasi medyo malayo 'yung school ko sa bahay namin. 'Dun ako nakatira sa fourth floor ng apartment na iyon. One day, binilhan ako ng mom ko ng groceries at andami nun. Hindi ko naman sila mabubuhat lahat papunta sa floor ko 'tapos mabibigat pa 'yung iba. Napansin ako ng isang guy. Tutulungan na lang daw niya ako. Natuwa naman ako. Magkatabi lang pala kami ng unit sa apartment. At nung natapos na 'yung pagbubuhat ng gamit, ininvite ko muna siya sa unit ko. Nagmeryenda muna kami at nagpakilala sa isa't isa.

Sunday, November 03, 2013

Tomorrow Never Comes

Sa wakas may app na ako sa tab ko na pwedeng magpost sa Blogger. haha ansaya ko

by JeWeL (∩`・ω・´∩)

Hay, nako. May pasok na pala bukas. Makikita nanaman kita ulit. Maaalala ko nanaman ang huling beses na pinaiyak mo ako. Di bale na, marami pa naman akong kaibigan na alam kong magpapasaya sakin. Iniisip ko lang kung papansinin mo pa ako.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko once na makita kita ulit. Alam ko naman na kasama mo pa rin siya hanggang ngayon. Ay, teka. Hindi naman kayo laging magkasama ah. Tuwing uwian rin lang naman kayo nagkikita; parang tayo lang dati. Hmm, may binabalak tuloy ako.

My First Love


Someone sent this through my email. Gawan ko daw siya ng story tungkol sa buhay niya. Binigay niya lahat ng details at eto na 'yun. True story.

Hi! Ako nga pala si “Jewel”. Di ko na sasabihin real name ko. Kwento ko lang buhay ko sa inyo.

First time ko magmahal. Di ko pa alam kung paano gawin yun lalo na nung una ko siyang makita. Naging crush ko siya kasi nagustuhan niya yung drawings ko. Tapos ayun na, nagkagusto na rin pala siya sakin.

Nagpapaiwan ako sa service ko para lang sa kanya kasi gusto ko pa siyang makausap. Kaso ako naman etong shunga na naghihintay lagi sa kanya na nakauwi na pala. Pero minsan lagi kaming nagkikita. Pinapakita ko sa kanya drawings ko tapos natutuwa siya. Di ko mapigilan saya ko kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Inaasar ako lagi ng mga kaklase ko. Siya daw boyfriend ko?! Inaamin ko, natuwa rin ako sa birong yon pero sana nga totoo nalang yon.

Minsan siya na mismo yung hindi umuuwi nang maaga para lang makausap ako.